CHAPTER 2 - " Anak ng Bagyo "
"Ahhhhhhwwwww," napasigaw na si Emma sa sobrang pananakit ng t'yan n'ya. Hindi n'ya alam kung saan hahawak, kung sa t'yan, likod o sa balakang ba? Agad namang sinalo ni Diony ang asawang butil butil ang pawis. Dinala agad ng lalake ang asawa sa papag na kanilang hinigaan. Napaupo muna si Emma sa higaan, na noo'y mahibing parin ang pagkakatulog ng dalawang bata. Agad namang tinanggal ni Diony ang kulambong nakatali pa sa may hamba ng kanilang bahay. " Sandali lang, mag-iinit lang ako'ng tubig sa kusina, tatawagin ko narin si Amy at Jerry sa kanila bahay," sabi ni Diony sa asawang hirap na hirap na.
" Jerry, Amy hali kayo!!!, tulungan n'yo naman kami, manganganak na ata si Emma," sigaw na may halong pakikiusap. Ng mga panahong iyon, binabayo parin ang buong kanayunan ng isang delubyo. Napakalakas na ihip ng hangin, na halos mabuwal na ang mga puno sa tabi ng bahay nila. Malalaking butil ng ulan, na halos bumaon sa kanilang pawid na bubungan. Mas lalong kinabahan si Diony sa nangyayari, hindi n'ya alam ang gagawin ng mga panahong 'yon.
Dalawang payong ang kanyang naaninag na nanggagaling sa bahay ni Tatay Domeng - Tatay ni Emma. Agad namang tinunton ng flash light ni Diony ang dalawang 'yon upang hindi madulas sa putik na nilalakaran. Ang kapatid ni Emma na sina Amy and Jerry ang mga dumating dala -dala ang payong na halos masira na ng hangin sa labas. "Anong nangyari kay Emma," agad na tanong ng kapatid na si Amy. "Manganganak na ata s'ya," garalgal na sagot naman ng pinagpapawisang si Diony. " Hala sige, mag-init ka ng tubig sa kusina," utos ng kapatid kay Diony. At agad namang nagmadali si Diony papuntang kusina. Kinuha n'ya agad ang gas na nasa bote ng mantika at agad na ibinuhos sa magkapatong na mga kahoy at sinindihan gamit ang Posporo na may tatak na Jar. Mabilis namang nilamon ng apoy ang mga kahoy at ipinatong ni Diony ang tapayan na puno ng tubig.
Sa kabilang dako, sina Amy at Jerry naman ay nasa higaan. Si Amy ang nagpapaypay gamit ang isang kahon ng Bear Brand na tinupi lamang para maging malapad. Si Jerry naman ay pumunta sa mga kapit bahay na noon ay halos hindi na makita ang mga tirahan dahil sa dilim at lakas ng ulan. Pero hindi ito naging hadlang upang makahingi ng tulong si Jerry sa kanilang mga kapitbahay. Inabot lang ni Jerry ang isang malaking plastic na transparent na nakasabit sa likod ng pintuan at nilisan n'ya ang bahay na yun at tumungo na sa mga kapitbahay para makahingi na ng tulong sa lalong madaling panahon.
" Nong Niko! Nong Niko! hiyaw ni Jerry sa madilim na bahay ni Dioniko. Lumabas naman si Nelly na asawa ni Dioniko. " manganganak na si Nang Emma, kelangan namin ng tulong para madala na s'ya sa ospital," ang unang bungad ni Jerry kay Nelly na nakatira malapit lang sa bahay nila Emma. Tinawag naman ni Nelly ang asawang si Dioniko na patulog narin ng mga panahong yun. " Nong, patulong naman, si Nang Emma kelangan ng tulong papuntang ospital, manganganak na ata" paki-usap ni Jerry sa kapit bahay. Kumuha lang ng salakot si Nong Niko at nagtungo sa bahay ng mag-asawa, habang si Jerry naman ay dumeretso sa tirahan nina Rolando na halos kadikit lang ng bahay ni Dioniko. " Nong Lando!! " sigaw ni Jerry sa pintuang naka pinid lang at may ilawang nakabukas at nakapatong sa may lamesita. Mabilis namang lumabas si Lando, suot suot lamang ang kulay abong sando at shorts, " O, anung nangyari sa inyo at kanina pa kayo nagkakagulo? " tanong kay Jerry. " Manganganak na si Nang Emma," sagot din naman ni Jerry sa katanungang ilang beses nang naulit ng mga panahong yun. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Lando at agad nang sumama kay Jerry.
At habang pabalik sina Jerry at Lando, si Emma nama'y nakahiga na sa papag at pinapaypayan parin ni Amy at Diony naman ay nasa ibabang bahagi ng asawa na akala mo ay may inaantay na kung anung lalabas. Pero inilapat narin nya ang lampin na gawa pa sa katsa na binabad at nilabhan lang sa sabon kaya may tatak pa ito. " Aarraaayyy!!!, masakit na talaga, hindi ko na kaya," sigaw ni Emma. Nagulantang ang lahat ng biglang umiri si Emma ng buong lakas at sa malungkot na sitwasyon may duong umagos mula sa pagitan ng mga binti nito. Hindi alam ni Diony ang gagawin sa sitwasyong 'yon, kaya napausal nalang s'ya ng isang dasal na sana walang masamang mangyari sa asawa. Si Amy naman ay ginising ang dalawang batang mahimbing pa ang tulog at dinala sa lakapit na bahay at agad namang bumalik.
Ng mga panahong 'yon, napuno ng takot ang buong sambahayan dahil sa pangyayari. " Nong, kamusta na si Nang Emma?" hingal na tanong ni Jerry. " Palabas na ang bata," sagot naman ng asawang pinagpapawisan at nag-aantay sa mangyayari. " Umiri ka nalang Nang," pakiusap ni Amy sa Ate n'yang hirap na hirap na. Isang napakalakas na iri at sigaw ang binitawan ni Emma habang hinahawakan ni Amy ang t'yan ng kapatid. Si Diony naman ay agad na sinalo ang batang palabas na sa pwerta ng asawa. " Nakikita ko na ang ulo ng bata," nasambit ni Diony. " Sige pa Nang, sige pa," utos naman ng kapatid na si Amy. " Ilabas na natin yang bata bago tayo tumulak papuntang ospital," ani Amy.
At habang nagkakagulo sa loob ng k'warto si Diony at Amy sa paglabas ng bata mula sa sinapupunan ni Emma. Dumating si Lolo Mayo mula pa sa bahay n'ya, na nasa taas lang ng bahay ng mag-asawa. " Hala maghanda na tayo ng mga gagamitin sa pagbuhat kay Emma, pati flash light, itak at pambalot sa bata," utos ni Mayo habang nagkakagulo pa sa loob ng bahay. Dahil sa positibong pananaw na dala ni Lolo Mayo, naging kalmado na ang lahat sa paghahanda.
" Awwwww," malakas na sigaw ni Emma. " Ayan na, lumabas na ang bata," masayang sigaw ni Diony. " Isa itong malusog na lalake," sabay tapik ni Diony sa kakalabas lang na bata. " Owa, owa, owa," malakas na iyak ng bata. Hinang hina si Emma pagkatapos mailabas ang panibagong buhay mula sa sinapupunan n'ya. Pawisan, hindi malamang kung anong masakit at hindi rin alam kung anong gagawin. Agad namang kumuha ng bagong labang lampin si Diony, at ibinalot ang bata upang hindi lamigin na kahit nakakabit parin ang pusod ng bata.
Naghanda agad ang mga kalalakihan sa pagbuhat kay Emma. Suot-suot parin ang daster na may mga dugo, puwesto si Lando at Mayo sa makabilang balikat at sina Jerry at Dioniko naman sa ibabang bahagi nito. Si Diony ang may hawak ng payong at bata, na noo'y nakakabit pa ang pusod sa mag-ina kaya sobrang maingat ito sa pagkilos. Ng handa na ang lahat, agad na binuksan ni Amy ang pintuang binabayo parin ng hangin na may kasamang ulan sa mga panahong iyon.
Nagmamadali na ang lahat sa takot na may mangyari pang masama sa mag-ina. Pagkalabas na pagkalabas ng grupo na nagbabayanihan, tanging tig-iisang payong lang ang panangga nila sa ulan. Si Emma naman ay kanilang pinuprotekhan sa lamig. Halos mawalan ng malay si Emma ng gabing yung, pero dahil sa pagtatanong at pag-kukwento ng asawang si Diony, hindi ito nagawang pumikit upang matulog. Nahirapan ang apat na nagbubuhat dahil ang daan ay maputik na, malakas pa ang baha mula sa itaas, nakakatakot din ang kulog at kidlat, samahan pa ng punong halos matumba na.
Nang marating na nila ang kalsada na halos maharangan na ng mga punong natumba, medyo nakahinga na sila ng maluwag. " Anong nangyayari sa inyo d'yan? " tanong ni Lola Marcela na hindi kalayuan sa bahay ng mag-asawa. " Manganganak na si Emma," agad namang sagot ni Diony sa tanong. " Nand'yan si Erna, magpatulong kayo, kumadrona yun sa ospital," naibahagi ni Marcela.
Halos magkadikit lang din ang bahay ni Erna sa bahay ni Marcela, at siguro narinig ang ingay na nagmumula sa labas kahit na umuulan, agad na lumabas at nagtanong si Erna: " Nakalabas naba ang bata, naputol naba ang pusod ng bata? " magkasunod nitong tanong sa asawa na yakap yakap ang bata. " Nakalabas na ang bata, pero ang pusod ay hindi pa napuputol, nasa loob parin ang inunan, " sagot naman ni Diony. Agad na kinuha ang payong ni Erna sa loob ng bahay at sumama sa pagdala kay Emma sa Ospital.
" Ako na ang magbubuhat sa bata," pakiusap ni Erna kay Diony. Agad namang iniabot ni Diony ang bata sa kamay ni Erna. Nang biglang . . . . " Ayyyyyyyy," nahulog ang pusod ng bata, bulalas ni Erna at agad namang ginamit ni Diony ang flashlight na dala sa kaliwang kamay. " Ang bata . . . ang bata. . . .," takot na takot ni Erna. " Anu? . . anong nangyari sa bata? tanong ni Diony kay Erna.
ANO NGA BA ANG NANGYARI SA BATA? NAHULOG BA ITO, O NAPUTOL LANG ANG PUSOD NITO. ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA. . . .