Ads Here:

Thursday, June 7, 2012

Ambo sa Bataan


Friday, JUNE 1, 2012 at around 7:30PM,
The team was actually waiting for any update regarding Typhoon Ambo (international codename: Mawar), and the position of it because our plan was already settle, everything was fine, start from Van, Food and the Venue which was Sun Moon  Resort.  While waiting for the update, I was preparing my Navy Blue Backpack sponsored by North Face, checking my Outdoor list and putting my stuff in my backpack.  FLASH REPORT just came into the TV Screen, and I was statering, I don't know what I need to do, greeeeee!!!!, and the weather girl started to talk about Typhoon Ambo, and seriously I can't focus on doing my shoutout for my fans that night while watching the tv.  So here the report: " (PAGASA) declared a public storm warning signal No. 1 in the provinces of Aurora, Isabela, Cagayan including Babuyan Island and Batanes group of Islands. " - so that means the typhoon will be going to the Northern part of the Philippines and Bataan is in Central Luzon, so posible that Ambo will be passing to our Venue and will say HELLO.
JUNE 2, 2012
Krinnnnggggggg, my phone rung and it's an  alarm, 4:00AM, time to wake up and I can't stand because the


 weather was inviting me to sleep again.  But, I can't do that, because we need to be in the office at 5:30 to 6:00AM, so I didn't have a choice but to stand up, prepare and eat my breakfast, double check my bag, had my shower, put some press powder sponsored by my Derma, wore my costume, unplugged everything on the socket, closed all the windows then locked the door and walked 200 meters to ride the tricycle. That was challenging because that was Saturday morning and it was raining so negative for the tricycles to penetrate our exact location - last option walking.  After tricycle I took jeep, and I feel shy to my fans in the jeep because my fans were starring at me and my bag.  After that, I took FX going to the office and there, my friends were waiting for other cast.  And we met Kuya Popoy - the hot and cute driver and I am now ready to be in love again.  hahahaha.




We were 12 including Popoy in the Van and as usual laughing and singing while on the way.  Ayan ubus na English ko, tagalog naman, kakapagod magpahid ng dugo sa ilong.  Ayun na nga, harutan, kantahan, bangayan, awayan, tarayan, paistaran talaga ang laban sa loob ng van, kelangan kasing matutok sa bawat isa ang camera, hahaha, basta masayang magkantahan habang nilalait ang mga pangit nakikita namin, buti nalang walang salamin sa harap ko, wala akong makita masyado.  Mga 2 and a half hours lang narating na namin ang Bagac Tower, familiar yun kasi kakagaling lang ako dun 2 weeks ago, pero sa ibang barangay kami dumiretso.  Bago kami tumungo sa Resort, namalengke muna kami sa Pamilihang Bayan ng Bagac.

captured thru Mobile Phone
Pababa palang kami ng Van nang bumuhos ang napakalakas ulan na may kahalong pagkulog at pagkidlat at napakalakas na hangin, kaya habang namamalengke kami kinakabahan na kami kung anung pwedeng mangyari sa daan at syempre sa dagat, sayang kasi ang swimsuit ko kung di ko magamit dahil lang sa bad weather.  diba?  at syempre si Ara, Ako, Dana, Kim at Bambie lang ang namalengke habang ang mga don at donya ayun sa loob ng Van naghahapy hapy ang nagsasayawan habang umuulan at kamiy sumasakit na ang mga rayuma dahil basang basa na ang mga paa namin, pero syempre enjoy parin naman,  kaming lima ba naman ang lumabas, anung aasahan nyo tahimik??? NO NO NO. . . .  sumasabay ang ingay namin sa kulog at kidlat at ulan. . . lahat nang makitang kakaiba ayun tsimis agad ang labas. May mga cute, chaka, maitim, may ngipin o wala, halos lahat ng klase nang tao nakita namin sa palengke.  Iisa lang ang masasabi ko " Ang Bait ng mga taga Bagac, Bataan."  At ayun natapos na namin lahat mabili, sunod naman ang tubig at madaming madaming alak na si Alex naman ang  gumalaw kasi sya ang nasa front seat.  After marketing, tinunton na namin ang Sun Moon Resort, dahil sa galing ni Popoy at Alex agad naman naming natagpuan ang resort na iyun, ok na sana lahat eh, kaso papasok palang ng Gate ng Resort, nang may namataan kaming kulay brown na tubig, . . AY HALA . . . nalang ang aking nasambit, kasi mukhang malalim ang tubig, at kelangan daw ng tester, hahaha, syempre, sino ba naman ang magandang tester kundi kami ni Bambie, at ayun no choice, kasama si Alex naglakad kami ni Bambie sa hangang tuhod na maruming tubig nang sa gayun ma test kung makakadaan ang Van namin.  At naging successful naman ang pag test namin, nakadaan nang matiwasay ang Van namin.  Nung pumunta kaming Sun Moon Resort, sinalubong kami ng care taker pero dahil siguro sa typhoon mejo madumi ang naabutan namin, brown yung dagat dahil sa ulan, hindi kami swerte nung araw na yun, tapos yung ibang cottages hindi complete yung mga gamit, at walang wala kaming dalang gamit sa kusina kaya nilisan namin ang Resort na yaon nang may gumigilid na luha sa mga mata namin.





Sa di kalayuang lugar, natagpuan namin ang isang kumunidad.  Kumunidad ng mga Resorts, at sinalubong agad kami ni kuya na naka white na may nakasulat na Brgy. Tanod sa likod.  Dahil ang lahat ay nangangati nang makakita ng dagat, sa isang di sikat na kanto natagpuan namin ang "SALAMAN BEACH RESORT."  Pag-bukas palang ng Hi-Ace Van naming sponsored ng Toyota, agad din kaming sinalubong nga mga katiwala ng Resort.  Nagkaroon ng pag tour sa kabuoan ng Resort.  At dahil sa taglay na ganda at mura pa, nakuha namin ang isang cottage with 2 rooms with T & B, samahan pa nang open area na may bobong with Videoke, libre pa ang gamit nang kitchen at iba pang amenities, additional workforce pa sa pagluluto.  Kanin, grilled squid and fish, kinilaw na isda ala Podi, Sinigang na isda ang nakaprepare sa hapag namin.  At 2:00PM simula na ang lunch namin, bonga diba?, walang pansinan, kibuan.  Lahat busy sa pagsubo ng kung anu anu.  Habang bumabagsak ang malakas na ulan sa bubong, kasabay din ng pagtulo ng mga luha namin sa lubos na kagalakan dahil sa wakas nakapaglunch kami.  After lunch, pahinga ng konti, tapos videoke at inuman portion na,  ako focus lang muna sa videoke saka tumagay habang si Kuya Jake natutulog, magtatakipsilim na yun nung sya ay magising.




Dahil dun, sya ang  nagihaw ng pork chop namin, dahil tumatagal narin ang tagayan, wala nang kanin kanin sa hapag at nakalimutan na ang pagkain dahil sa alak.  At dahil kami lang ni Bambie ang may natatanging pamamahal kay kuya jake, sinamahan namin syang mag-ihaw ng Pork Chop, at dun ko muling nakadaupang palad sila Brix at Ton ton, sila ang mga cook nang taga kabilang cottage, hindi ko makalimutan si Brix dahil sa kanyang blue with white checkered na nail polish sa paa. Dahil sa friendly kami, nakipag chikahan kami sa kanila and we grilled happily ever after. After mag grill, ayun balik tomahan ulit.  Mga 6PM na yun, ang pagsisimula ng kumpitisyon at may titulong: " ISAYAW MO at HAHAGURIN KO " starring Alex-the porn star, Ara-the dancing whale shark, Kim-ang nalilito kung kakanta ba o sasayaw, at ang bida sa lahat, Dharzie-ang napakasexy, napakagandang babae sa gabing yun, babaeng walang ka bahid bahid ng pimples sa mukha.  Mejo tumagal din ang competition na umabot na ang 9PM, so non-stop inuman ng 7 hours, may mga naghuhubad, gumigiling, kumakanta at naglalambitin sa ceiling.  May mga iyakan, may bongang bongang nagpakain sa pato sa gabi, dramahan, harutan, artihan sa gabing iyon and I think everyone was absolutely enjoying hangang naramdaman ng mga cast ang pagod at antok kaya ayun, Top 4 sila: Bambie, Amboy, Jake at ang inyong lingkod at lahat naka nga-nga na.  At habang hagliligpit si Jake ng mga kalat sa mesa, akoy kumuha ng unan at kumot at ako'y nahiga.  12MN nang may tumulo sa mukha ko, hindi ito bato kundi ulan, kaya ayun, nagbangonan kami nila Amboy dahil sa lakas ng ulan.  Deretso ako sa loob at agad kumuha ng foam at itoy inilapag sa sahig sa sala at burlogs.  2AM ng mga panahong yun ng makaramdam ang karamihan ng gutom, at agad kaming nagbangon, hanap dito hanap doon ang drama pero pawang luhaan ang lahat.  Nagbanlaw, naglinis ng katawan, at nahiga.  Position namin: Bambie, Kim, Dana, Ara, ako at Amboy, habang nakahiga at nakatingin sa ceiling, nakapatay din ang ilaw, may tuko, at kung anu anu pa ang nararamdaman namin.  At dahil si Ara ay hindi nakakatulog ng hindi kunukwentuhan, ako nalang ang nagpresentang magkwento tungkol sa isang babaeng nakaputi na nakikisakay sa jeep at motor na may kadena sa paa at kamay at ito'y nangyari sa Romblon, at iba't ibang kwento pa ang nadaanan namin.  Pero lahat nang yun, nagtapos sa "and they live happily ever after."  Kaya ayun tawanan imbis na takutan ang nangyari.  At nakatulog na kaming lahat nang walang suot.  May mangyayari kaya?, feeling ko wala naman, kayo nalang mag-isip ng mejo kababuyan. 

SUNDAY MORNING:

Kinaumagahan, maagang nagising ang mga artista, tumungo sa farm nanguha ng itlog, nanguha ng gatas ng kambing at ang iba'y nag luto ng pang breakfast habang ako'y naka nga-nga parin.  Pagising ko, ayun ready na yung breakfast, feeling Queen Elizabeth kaya ako kelangan ready na ang lahat bago tumayo sa kama.  Ayun early in the morning, nung gising na lahat chismisan ulit tungkol sa mga nangyari nung gabing iyon. At dahil lahat ay gutom, utang ulit sa tindahan, na akala namin unlimited ang promo, hahaha, coffee with noodols and bread.  After that, ang mga nakakatanda, ayun nagtungo sa Kitchen at nagluto ng pang agahan, kahit mejo late lang ng konti.  Tapos, ang mga manginginom, ayun kuha ng mga boteng may laman at dun sa tabing dagat pumwesto.  Habang naglalaro ng baraha pinartneran nila ito ng inom.  Habang kaming mga beauty queen ayun lamierda sa may dalampasigan, gumagawa ng mga patibong for the boys pa papasok dito, hahaha.  Dahil sa nagkakasarapan na silang lahat, agad kaming (beauty queens) nagchange costume at nagtampisaw sa binagyong dagat at kahit kulay coffee mate pa ang tubig nagenjoy kaming tatlo sa dagat dahil sa mga boys out door na naka swimming attire din. Pawang nagiinarte kami habang nagpaplano ng mga patibong laban sa kanila (boys). 


hahaha, kakatuwa talaga silang pagmasdan habang nagiging isip bata sila at nagtatampisaw din sa tubig ng karagatan.  Pero dahil sa walang effect ang ginagawa naming effort, at walang kumakagat sa Patibong namin, nganga kaming nilisanang tubig at bumalik kung saan man kami nanggaling.  Nang marating namin ang dalampasigan, syempre si Podi, tapos si Bambie at ako ng nagflysung sa shower room.  Nakakatuwa lang isiping nakaya namin ang maligo dun sa maruming tubig dahil sa mga boylets.  Pero keribells lang naman yun at least we did our best but it wasn't good enough diba?  

After nang ligo, syempre bihis muna diba, kakahiya naman kung pornographic ang arte ko dun.  Design ng konti sa mukha tapos rest na, habang nagpapahangin sa electric fan.  Syempre rest day ang drama ng mga beauty queen habang yung ibang cast nandun parin, kung anung ginagawa kanina ganun parin hanggang ngayon.  Kakahiya naman, pagod na ata silang lahat, gusto raw nilang lumafang ng may sabaw, e dami namang tubig sa karagatan, pag-tiisan nila yun.  Kaya si Podi ang gomora sa kusina at naghanda ng sinigang na Alomahan, syempre courtesy ng tindahan, unlimited nga diba?  Ang lola nyo ang tagapag hiwa ng kung anek anek habang sya naman ang nagluluto.  E  dey tapos nang magluto ng sinigang, si Ubod naman ang gumetlak ng bigas at nagsaing.  After maiprepare ang lahat lahat sa table, agad tinawag ng sekretarya ang mga cast members para lumafang sa table.  Dahil nga sa pagud at may mga tama pa sa pag-iisip ang mga cast dahil sa activities, agarang naubos ang nilutong pagkain na parang walang nangyari.  Pati nga ako, konti lang kinain ko dahil sa proper diet and right conduct, tumulo din ang pawis ko dahil siguro sa alinsangan  ng weather sa planetang iyon.  After eating, lahat ay nagprepare parang gomora japan pabalik ng Maynila.  

Hindi rin namin nakaligtaang bayaran ang credit lines and rental services namin sa grocery sa loob ng resort.  SALAMAT SALAMAN RESORT for the Hospitality and Kindness kahit alam naming kinabahan kayo sa pwedeng mangyari sa resort dahil sa ibang trip namin habang nagnonomobellls.  Ng matapos nang isettle lahat, nagprepare na ang lahat papasok sa super Van namin.  At habang nasa byahe, ayun ang paborito ng lahat, kantahan to do max hangang makatulog lahat. NGA NGA kung NGA NGA talaga, kaso ayokong magkagay ng pix kung sino ang mga naka NGA NGA, basta meron ako sa cp ko, hahaha.  

Mahaba ang tinakbo ng sasakyan namin, ilang oras din yun, pero dahil sa kakaibang maneuver ni Popoy, akala nung iba Ambulance yung dumaan, dahil kahit umuulan at madulas ang kalsada, deretso parin ang drama.  To make my story short, ayun tapos na to short nga diba? hahaha, hindi, at nakarating na kami sa office.  Bumaba at kanya kanyang uwi, ako mag-isa lang talaga.  Pagdating ng bahay, inilabas ko lang ang mga nabasa sa bag tapos borlogs.  

At dito nagtatapos ang isturya ng Ambo sa Bataan.