Minsan may isang baklang nangarap maging beauty queen or Supermodel at dahil sa pangarap na nabuo sa isipan, unti-unti itong pumasok sa puso nya. Nagpursige syang tuparin ang pangarap na yon, subalit naging mapagbiro ang tadhana at sa pamumundok napunta ang pangarap na yon. Dun din nahanap ang tunay na kaligayahan, katulad ng FREEDOM CLIMB 2012 sa Mt. Manabu, Sto. Tomas, Batangas.



Ngayon ibabahagi ko sa inyo ang mga masasaya at madramang bahagi ng buhay namin sa pag-akyat sa Mt. Manabu.

Thursday palang ng gabi, nagprepare na ako para sa big event na to, dahil pagdating ng Friday sobrang hectic na ang schedule ko, after ng Office Schedule ko (4PM), dumeretso ako ng St. Peter's Chapel sa Quezon Avenue. QC, para dalawin ang kumare kong  na tegibells dahil sa maraming complications.  Nakita ko rin ang mga taong nagpapahalaga sa kumare ko.  12:30 AM ng ako'y lumisan sa lugar na yun at nakarating na ako ng bahay ng 1:30AM.  Nakatulog na ako ng 2:00 AM.

June 9-10, 2012, Saturday. 5:00 AM tumunog ang BlackBerry ko at nagsasabing gumising na ako.  Kaya no choice na ako, kundi tumayo at nagprepare ng breakfast.  Habang nag-aayos ng gamit ko sa loob ng bag. 8:00 AM ako nang umalis ng bahay, dumaan muna sa office para makipagkita sa prince charming kong sina Jeremy at Almir.  Sumakay kami ng Karwahe (taxi) na hinihila ng apat na Unicorn na kulay pink. Sa Kaharian ng Alps sa Cubao kami napadpad para makipagkita sa iba pang Prince at Princess.  Dapat sana before 10AM ang oras nang pagkikita namin, pero dahil sa Filipino tayo, ayun mahigit isang oras pa kaming nag-antayan sa Terminal para makumpleto ang groupo ng Baklang Hamog. . . . ay Batang Hamog Mountaineer pala.  Pero bago pa sila dumating, kasama sila Jeremy at Almir, dun na kami nag breakfast ng heavy.  Adobong Atay ata yung ulam namin, tapos nakiinom nalang kami ng tubig kay ate.



hindi naman ako tambay eh,


plano ko pa namang ibenta ang mani at ilog ko





Nang makumpleto at mameet namin ang cast, gorabells na kami sakay ng Alps Bus No. 727 ata yun with Wi-Fi pa kaya unlimited ang updates sa mga fans ko.  Katabi ko si Jeremy habang ang iba ay nasa likod banda ng bus.  Kanya-kanyang shine ang bawat members, lahat pinagkakainteresan simula konduktor, mga tindera at ibang nakasakay sa bus.  Syempre dahil magkakakilala na lahat ng members ng BHM, comfortable kaming nagchikahan tungkol sa iba't ibang bagay.  Syempre kelangang mag-magaling at kelangang kunwari may alam, hahaha - yun ang drama ko, hahaha, joke lang po yun.

132 pesos pala ang fare sa Bus, mula Cubao hangang Tambo Exit.  Ang pinaka challenging ay ang magdala ng 3 liters na tubig at ang Bagellang nasa 10 kilos. Bigat diba, dala ko kc ang LPG tank namin, gagawin kong oxygen para magmukhang sosyal.  hahaha.  Anyway, ayun nga pag-baba namin ng bus naglakad kami papuntang sakayan ng Fiesta World Mall.  At dun kami nag lunch sa pinakabagong fastfood chain, naisipan lang namin i check yung chicken na with kalamansi flavor.  At habang nag lulunch kami, hindi parin maiwasan ang kalokohan, at pati ang mga staff ng Jolibee napagiinteresan namin, walang pansinan, walang kibuan habang kumakain, palibhasa puro patay gutom at sinamahan pa ng pagod.







The BACKPACKERs
After ng lunch break namin, gomora kami ni Mon sa CR ng mall, mejo chakabells lang ng konti, amoy keme ang loob ng CR, akala ko nga urinal lang ng MMDA sa EDSA eh, kelangan lang linisan, yun lang talaga kulang dun.


After ng Cr event, napadaan kaming gamezone at agad na tumama mata namin sa Videoke.  At ayun habang naglulunch sila, kami eto nagkakantahan na sa labas.


Nang mapaos at maputol ang mga litid, bumalik na kaming foodchain. Nang mag ipon-ipon na lahat sa labas ng Jolibee pero loob parin ng Mall yun, sa may WATCH REPAIR, shooting naman ng CALL ME MAYBE ang sinimulan.  At dahil sa ganda, talento at alindog ng bawat isa nakuha namin ang mata ng  mga tao, kulang nalang maglagay kami ng baso para sa limus eh.  Basta pinasasalamatan namin si Ateng taga Watch Repair. Chinika namin ng chinika si ate, nagbabakasakali lang bigyan kami ng Ref, diba nga Watch Repair yun, malamang relo ibibigay samin.  After ng Watch Repair, Aficionado perfume naman ang chinika para makalibre ng Amoy, sobarang pawis na kc kami eh, kelangang fresh kami paglabas.

 

Habang kamiy nag-aantay kela Ginger, picture dito picture dun ang naging drama, dahil lang sa bricks na wall, ayun patok sa banga ang background kaya hindi pinalagpas ng mga kabaro natin sa hanapbuhay. Lahat inayos na, namili na ng tubig, trail food, at syempre bumili narin ako ng napkin, baka abutan ako ng mens sa pag-akyat eh, maganda yung prepared diba?

Mejo matagal din kaming nag-enjoy sa picture taking at shooting ng MTV.  At ayun, pagdating nila Ginger, pack up time na,  at mas bumigat lalo ang bagella kez ng ilang kilo.  Nakakahiya man sa mga tricy drivers na nagantay ng ilang oras (hindi naman kami nangako no). Naghire kami ng dalawang jeep, sampu sampu ang kasya sa bawat jeep. At yun nagkagulo ulit mga katauhan sa loob ng jeep.  Pati driver tinuruang mag gay lingo, pamatay diba?, hahaha, ilang mins. din kaming nakasakay sa jeep patungong base.  Pagkarating namin sa base, ayun walang kamatayang picture, tapos meryenda.


Jump Off Point - Sulok
















Mga 5:30 PM na ata nung mag start kaming umakyat ng bundok proper.  Sa daan pa lamang, nakakasalubong nanamin ang ibang mga mountaineers na galing na sa taas.  At inabot narin namin ang gabi sa daan, pagud na pagud, uhaw at gutom ang nararamdaman ng bawat isa.  Pero nakahinga ng matiwasay ang lahat nang marating namin ang bahay ni Tatay Pering pero si Tatay Tino ang nandun.  At dahil natural na sa pagiging mountaineer ang uhaw at gutom, agad nagprepare si Tatay Tino ng Buko sa halagang 10pesos.  At sa unang pagkakataon, natikman ko ang Kapeng Barako for free.  Ang sarap talaga ng kapeng yun, "Best Coffee Ever."  Kahit na walang sugar content, lasa parin ang parang cherry taste sa dila ko. Ang sarap sarap talaga, kaya kayo don't forget to try that coffee. May benebeta pang Alamid Coffee for just 500 pesos.  Nang maenergize na mga katawan namin, gabi na yun, tumulak na kami paakyat.

 

gusto nyong magkaanak? eto ang anito para jan

with Tatay Tino sa house ni Tatay Pering

 At syempre kakahiya naman maglakad ng madilim kaya nagbukas kaming ilaw. May part na easy lang, may part ding mejo sobrang stiff ang lupa paakyat, may part naman may rope para hawakan ng mga umaakyat at may part ding nasa 85 degrees na ata yun at tanging ugat ng puno lang ang pwedeng hawakan.

 



Mga alas otso na ng gabi yun nang marating namin Camp Site.  Pagkarating na pagkarating namin dun sa Site, deretso higa kami sa damuhan kahit may bag pa sa likod.  Sarap ng pakiramdam kapag umiihip ang napakalamig na hangin sa katawan namin.  Pahinga lang ng konti, tapos set up na ng tent ang competition.  Lahat naging busy sa pag set up ng kung anu-ano.  After maging busy sa higaan, pagkain naman ang pinagtulong-tulungan namin.  Habang ang iba'y nagluluto, iba nama'y nag hihiwa, naglilinis at ako naman ay nagpapasaway lang. hahaha. Maarte kasi ako eh, hehehe, ako lang naman ang nangangamusta sa mga bisita sa piging na iyun.









Nang matapos na ang pagluluto, inihanda na ang lugar na pag-dadausan ng piging sa gabing iyon.  Kuha dito, kuha jan, yan ang mga naging drama ng lahat.  Wala ulit pansinan, palibhasa mga patay gutom nga. hahaha.  At dahil pabida ako, ako nanaman ang naunang matapos, kasi gabi yun, kelangang konti lang kakainin ko, ayokong lumaki waistline ko na katulad ng mukha ni Janneth no.  Rest naman ang drama habang nagliligpit at ako namay namahinga muna sa loob ng tent ng ilang minuto.  Hindi ko namalayang nakahanda na pala ang Wine Party nung gabing yun, kaya ginising nila ang beauty ko.  Wearing my light blue jacket at brown shorts, lumabas ako ng tent.  Emperador Lights and The Bar Apple ata yun garnished with pork chop and everything.  Umiinit na ang laban, kaya napahubad ako ng jacket ko ng wala sa oras.  At habang lumalamig ang ihip ng hangin, mas lalong umiinit ang pakiramdam ko dahil sa  mga nangyayaring landian, harutan at kulitan.  Basta nasa 6 hours din yung inumang nangyari, kasama ang apat na katabi namin ng tent (sila kuyang pilot, law student, gluta at isa pang mataba) hind ko sila kilala eh.  Samahan pa ni " you're angel right?, can you sit beside kembot? " at ang cute na si Loyd, at syempre si steve na makulit at malandi.  Nasakto pang magkatabi kaming dalawa, e di ayun, sumabog ang kalandian sa gabing iyon.  May mga gumugulong-gulong sa damuhan habang kumekeme, hahaha, can't forget that scene talaga, hahaha.  Pero naubus na ang time nilang tatlo, kaya ayun bumalik sila sa taas na pinagcamp pan nila.  After ilang minutes, bumalik sila loyd at steve dahil naiwan ang kanilang pan na nilagyan ng adobong rodent ay manok pala.  Kaya ayun naulit muli ang mga nangyari, mas lalong kumulit at umingay ang laban.  Iba't ibang topic ang lumabas at na i open sa madla, may tungkol sa navigation, pilot keme, at syempre usapang kabaklaan.





3 AM, SUNDAY MORNING na kaming natapos mag nomobells.  At bago matulog punta pa sana kami kala Tatay Tino para lang mag kape, pero hindi yun nangyari.  Kaya ang mga kalat sa may tent ko ang napag-interesan kong ilagay sa labas ng tent ni Red.




At pagising ko, pasado alas syete na ng umaga, nakabihis na ang iba ng kanilang costume, halos patapos narin ang pagluto ng agahan, parang nahiya naman ako kasi trabaho yun ng babaeng katulad ko.  Picture picture time nalang ang nagawa ko habang nag-aagahan.

Pag-luluto ng breakfast
pamamaalam sa 4 guys


 

 




 



After ng candle light breakfast, kanya kanyang fold ng tent ang naging mga eksena. Niligpit ang mga kalat tapos nagsimula ng Programa namin sa araw na 'yun.  Prayer, National Anthem and Oathtaking ng Batang Hamog Mountaineer ang pagkakasunod sunod.

 






for LGBT Community
BATANG HAMOG MOUNTAINEERS
 After ng programa namin, dala dala ang lahat ng bagay na dinala namin pataas, bumaba kaming may ligaya at ngiti sa mga labi namin.  Pababa, dun namin nasaksihan ang kakaibang ganda ng kalikasan in different forms.  Natural na natural ang ganda ng mga ito at sana lang hindi ito mabahiran ng pagkasira na gawa ng tao.  Nadaanan namin ang iba't ibang Stations ng Trail.











 


















WAG SANANG TULARAN!












Pagkababa namin, nadaanan naman namin ang kubong nagtitinda ng mga fresh na prutas.  At hindi namin palalagpasin ang napaka berdeng Buko at para ma supplyan ng bagong fluid ang mga katawan namin.  Habang punong puno ng pawis ang mga shirt namin, agad naming nilantakan ang sabaw at laman ng mga bukong inihanda pa talaga para sa pagbaba namin.








Lunch time na ng marating namin ang bahay pahingahan, at syempre naabutan namin ang groupo nila Joseph.  At nakahanda narin ang Sinigang na Native na Manok.  Pahinga lang ng konti tapos nagbanlaw ng katawan.  At ayun LAFANG LAFANG LAFANG Activity.  Pahinga ulit, tapos picture picture naman.  Continuation ng Call Me Maybe Shooting naman ang pinagkaabalahan namin.




MISS BAKLANG HAMOG MOUNTAINEER










Tricycle naman ang sinakyan namin hanggang Bus Terminal worth 40 pesos, may tawad na yun, diba pati tricycle tinawaran pa namin.  Apat kada tricycle ang laman.  At habang nasa bus may makulit na bata sa likod namin, kairita no, kaya Claudine Barreto ang lola nyo, kasi gusto kong matulog.  At ayun nga nakatulog ako ng ilang minutes yun. Nagising ako nasa SM Mega Mall na kami at bumaba ng Ortigas Ilalim. Taxi pauwi.

NAGING SOBRANG SAYA ANG FREEDOM CLIMB 2012 NAMIN. HOPING FOR THE NEXT CLIMB with BATANG HAMOG MOUNTAINEERS.