Isang magandang araw sa inyong lahat, ako medyo hindi maganda, masakit pa ang aking mga musols and jo-ents kez dahil sa Mt. Cristobal traverse. Kung maraming mga mamumundok ang mejo may mga negative stories tungkol sa naturang bundok, ako hindi, bet na bet kez ang storyline ng mga yun no. Bongang exciting ang nadaraman ko habang nag-iisip ng mga pwedeng mangyari na involve ang mga kababayan nating hindi ordinaryo.
Aktuwali, eto ang kwentong nasa isip ko - kunwari lang to huh: " habang natutulog ako sa campsite, kelangan kong jumingel sa labas ng tent. Tapos, pag labas ko ng pintu, may isang liwanag na nangagaling sa isang punong namumunga nang isang prutas. At dahil kakagising ko lang, wala pako sa tamang pag-iisip nang mga panahong iyon, agad akong tumungo sa lugar na kung saan ko nakita ang liwanang.
Habang palapit ako sa punong iyon, dahil medyo maulan, nadulas ako sa putik - pero may poise parin ang pagkakadulas no. Lumapat ang pwet at likod ko sa putik dahil sa pagbagsak ko, at sabay sigaw nang: Ouch!! that hurts my ass!! sosyal ako dito sa story eh, englesera lang. Kasabay nang pagsigaw ay napapikit ako, ngunit nang idilat ko ang aking mga mata, isang matipunong lalake ang pilit na umaabot sa mga kamay ko. At s'yay nagwika: " Hey Hey Hey, Are you Okay? Hey Hey Hey, Are you Okay? Parang isang eksena sa First Aid ang peg?
Ang katawan ng lalaking ito ay nababalot lamang nang isang liwanag at ang maamo nyang mukha lamang ang pwedeng mabanaag. Dahil sa kakisigan nitong dala, agad kong iniabot ang aking mga palad na nuoy puno pa nang putik dahil sa pagkakadulas ko. At nang magkahawak na ang aming mga kamay, kakaibang init ang naramdaman ko na nagbigay sa akin nang kakaibang lakas upang ako'y makatayo mula sa aking pag-kakadulas sa putikan.
Nang mga panahong iyon, hindi ko parin mabanaag ang mukha nang lalaking iyon na nuoy alam kong nakatingin s'ya sa akin. Hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko sa sandaling iyon, pero isang malamig na boses ang aking narinig mula sa kanya, at siyay nagwika nang ganito: " Alisin mo ang marumi mong kasuutan at sumama ka sakin." At ako nama'y wala sa sariling sumagot: " San tayo tutungo? Baka mag-alala sa akin ang mga kasama ko dito." Agad naman s'yang sumagot: " Wag kang mag-alala, hindi kita pababayaan, dadalhin kita sa aming mundo upang labhan ang iyong marungis na kasuotan gamit ang TIDE Ultra-Matik."
At dahil madumi talaga ang kasuotan ko, agad akong pumayag na sumama sa lalaking iyon sa kanilang mundo. Agad naman n'yang hinawakan ang aking kamay at sinabing: " alisin mo ang iyong kausotan bago tayo pumasok sa lagusang iyan " sabay turo sa isang puno na bigla lamang lumitaw sa harapan namin. " Pero bakit kelangang kong hubarin ang aking kasuotan?? " bigla kong tanong sa lalaking iyon. Agad naman s'yang sumagot: " hindi ka papayagang makapasok dahil sa dumi na taglay mo sa iyong kasuotan. "
Nang mga panahong iyon, walang laman ang isip ko, kundi ang pag-aalala sa pwedeng mangyari sa akin sa kanilang mundo. Habang ako'y nag-iisp pa, agad na humarap sakin ang matinong lalaking iyon, at inilapat n'ya ang kanyang mga palad sa aking likuran sabay bulong: " wag ka nang mag-alala, hindi kita pababayaan. " Nang mga panahong iyon, wala parin ako sa aking ulirat, nang hawakan n'ya ang lay-layan nang aking kasuotan at agad n'yang hinubad papunta sa aking leeg, hanggang sa matangal ito sa aking katawan.
Nang mga panahong iyon, tahimik lang ako sa aking pagkakatayo, na noo'y tanging maikli at manipis na damit panloob ang nakabalot sa aking hubad na katawan. Ang mahaba at makintab kong buhok nama'y nakatabon sa magkabila kong dib-dib. Nang mga panahong iyon ay lubos na napuno nang pagkabigla. Hinawakan nya ang kaliwa akong kamay at dahan-dahang inakay patungo sa punong puno nang hiwaga. Nang kami'y papasok na sa katawan ang puno, may isang liwanag ang biglang bumalot sa aming dalawa. An nga kaya ang mangyayari kay Emoterang Si Dharzie sa mundong iba sa kanyang nakasanayan? Makakabalik pa kaya s'ya? At sino nga ba ang lalaking bumihag nang natutulog nyang puso? ABANGAN . . . .