Ads Here:

Tuesday, January 29, 2013

How Important is your Budget for Travelling?

I already published different articles, mostly are about travel tips.  Even the reasons why I travel alone were already published in my blog.  Now, budgeting is quite important in every trips, it can affect your whole trip if you don't have it in the right way.

Another article was being published to my Travel Blog.  This article can help you out in terms of your finances, on how to develop yourself in budgeting.  I've written everything that I encountered during my trips, so I am hopping that it will be a great help. 

Your finances are not a huge problem, as long as you know how to use your single centavo in the right way. Please click this link: My Travel Guide to read the whole article.

Sunday, January 20, 2013

Mt. Batulao - the Bloggers Climb

Pagkatapos nang isang challenging na linggo, sa wakas at natapos ko rin nang matiwasay ang Mt. Batulao sa Nasugbu, Batangas.

Unang pagkakataong makasama ang ibang travel bloggers, and naging successful at masaya ito.   Maraming salamat sa isang napakagandang araw na ibinigay samin.

Sa dami na nang mga bundok na naakyat ko, ito ang pinaka maganda.  Ang hangin ay napaka lamig pero may kasamang mga alikabok.

Napakaberde ang makikita sa taas nang bundok na ito.  Puro mga damo at puno ang nasa paligid, perpekto para sa mga taong mahilig sa kalikasan.  Ang akyat naming ito rin ang naging Reunion Climb nang Batang Hamog Mountaineers.  Sublit kami nila Te Sharon, We-wen, Whab at si Bunso ang nakarating, humabol parin si Ginger at ang anak nyang si Ian, sayang wala ang tatay.  Para sa mga litrato at at mga isturya nang akyat na ito, klik nyo lang ang link na ito: TravellingCup at Mt. Batulao.

Saturday, January 12, 2013

Minsan may isang Prinsesa sa Mt. Cristobal

Isang magandang araw sa inyong lahat, ako medyo hindi maganda, masakit pa ang aking mga musols and jo-ents kez dahil sa Mt. Cristobal traverse.  Kung maraming mga mamumundok ang mejo may mga negative stories tungkol sa naturang bundok, ako hindi, bet na bet kez ang storyline ng mga yun no.  Bongang exciting ang nadaraman ko habang nag-iisip ng mga pwedeng mangyari na involve ang mga kababayan nating hindi ordinaryo.

Aktuwali, eto ang kwentong nasa isip ko - kunwari lang to huh: " habang natutulog ako sa campsite, kelangan kong jumingel sa labas ng tent.  Tapos, pag labas ko ng pintu, may isang liwanag na nangagaling sa isang punong namumunga nang isang prutas.  At dahil kakagising ko lang, wala pako sa tamang pag-iisip nang mga panahong iyon, agad akong tumungo sa lugar na kung saan ko nakita ang liwanang. 

Habang palapit ako sa punong iyon, dahil medyo maulan, nadulas ako sa putik - pero may poise parin ang pagkakadulas no.  Lumapat ang pwet at likod ko sa putik dahil sa pagbagsak ko, at sabay sigaw nang: Ouch!! that hurts my ass!! sosyal ako dito sa story eh, englesera lang.  Kasabay nang pagsigaw ay napapikit ako, ngunit nang idilat ko ang aking mga mata, isang matipunong lalake ang pilit na umaabot sa mga kamay ko.  At s'yay nagwika: " Hey Hey Hey, Are you Okay?  Hey Hey Hey, Are you Okay? Parang isang eksena sa First Aid ang peg? 

Sunday, January 6, 2013

Intramuros Manila

High school palang ako, nababasa ko na itong lugar na ito.  Fort Santiago ang lugar na kung saan nangyari ang kasay-sayan nang kasarinlan nang ating bansa.

Dito ikinulong ang ating Pambansang Bayani at nanging kuta din ito ng mga Espanyol noong panahon ng kanila pananakop.

Paguran ang labang namin dito dahil sa 12 na Oras, napuntahan namin ang SM Mall of Asia, Intramuros at Star City.

Lahat yun, nagawa namin nang bongang-bonga, with Delg, Enzo, Daryl at Baracks.  Syempre, pagud-paguran kami, kahit inulan keri lang.  Click nyo lang yung link sa taas for more photos huh!

Saturday, January 5, 2013

SM Mall of Asia

Unang post ko ito ngayong 2013, at ang post ko ay tungkol sa pagbisita namin sa SM Mall of Asia, Intramuros, Manila at Star City.  Kasama sina Delg, Enzo, Baracks at Daryl tinungo namin ang mga lugar na iyon na puno nang ligaya at galak.

Ligaya at pagkamangha ang naramdaman namin sa Intramuros, ay mali, manghang-mangha samin ang mga foreiger, kasi naman lahat nang kanto dun, may picture kami, diba? kahit ikaw na nagbabasa ngayon, mmamangha din diba? 

Hindi ko makalimutan ang mga titig ng mga taong nakakita samin, wala kaming paki-alam ung pagnanasa o galit ang mga tinging iyon, basta maligaya kami nung mga panahong iyon, wapakels na sa kapwa.