Ads Here:

Sunday, June 17, 2012

Dove Men + Care



Alam nyo bang ang araw ko ngayon ay napakainspiring?  Kung ayaw nyong maniwala, bahala kayo sa buhay nyo.  Habang sinusulat ko ang blog ko for today, napakalakas ng hampas ng hangin sa pinto at bintana ng castle ko, tapos unti-unting pumapatak ang mga ulan sa bobong ng bahay, diba parang kanta lang.  Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko ang kasabihang: “Ang kagandahan ay hindi nakikita sa pisikal na kaanyuan, bagkus ito’y nakikita sa bawat puso ng kung sinuman.”  Kakatuwa diba? Hahaha, o diba natawa din ako sa sarili ko.  Buti nalang ako puno ng kagandahang panloob, kayo nang magjudge, hahaha.  Pumasok nga pala tong topic ng kagandahan sa isip ko dahil sa isang soap na nakita ko sa SuperMarket.  Pandagdag sa limang soap na ginagamit ko sa ngayon, bonga da vah? 




Nakita nyo ba ang Images sa taas? Yan Dove Men + Care, available na to sa market nationwide.  Nagulat ba kayo dahil Dove for Men ang binili ko?  Pusong gurl lang naman meron sakin, pero ang balat ko malamang-lamang balat kalabaw, . . . ay balat lalake pala.  Right now, this soap is still inside my cabinet, still thinking the right time and right place to use this, because now, since I am using 5 soaps, baka maguluhan ang mga soap sa kanilang trabaho.  Imbes na whitening magiging anti-pimple yung isa, diba sa dami mag-kapalitan sila ng magiging effect.  Gets nyo ba? Bahala na kayo. . .  good night na, sarap matulog kasi umuulan at habang tumatakbo sa isipan ko ang taong mahal ko.  Next time, ifeature ko sa inyo kung sino ang nagpapatibok sa pu- - ko.  Hahahaha. HAPPY FATHER'S DAY