Ads Here:

Saturday, June 16, 2012

Outdoor Pillow


Mountaineering is my next outdoor activity.  And that outdoor activity needs not just your heart, mind and body, but you also need to have those gadgets and stuff needed to conquer the mountain and surpass any physical struggles/challenges.

Nabigla ba kayo? Galing kong mag-spokening dollars no?, hahaha, pero kakapagod kaya mag-isip kaya eto magtatagalog nako para magka-intindihan na tayo pare-parehas.  Kung makapag-sulat naman kasi ako, akala ang galing-galing talaga.  Hindi ko nga alam kung tama ba spelling ko sa tagalog words ko e, limited talaga Filipino words ko eh, pati paglagay ng gitling, hindi ko rin sure. Hahaha.  Basta yung ibig ipakahulugan nandyan, keribells na yun.

Yesterday, after my shift sa office, konting chicka lang sa mga fans ko.  After 20 minutes, gomora akez sa isang Maliit na Mall dito sa Cainta, Rizal.  Kasi naman, pagkababang-pagkababa ko, biglang bumuhos ang ulan, kakalowka kaya, nabasa tuloy ang mala Imelda Marcus kong hair style. Hahaha.  Pati Channel (tama ba spelling? hahaha) kong foundation na ninakaw ko pa kay Ateng Anabel.  Baka mamaya makasuhan ako nang pagnanakaw. Hehehe.  Tapusin na ang usapang tungkol sa showbiz, off ko today, minsan lang ako mag-off no, kaya wag na nating pag-usapan ang trabaho  ko, alam nyo naman nasa showbuuuuzzz ang lola nyo.

Ayan, malayo na tayo sa topic, yun nga after shift, habang umuulan nag mall tour ako, dami kong pinuntahang shop sa loob ng mall, mga dalawa ata yun, not so sure pa yun huh, pwedeng isa lang, hahaha.  Nung dumaan ako ng 2nd floor, agad na pumako ang paningin ko sa mga inflatable bed, sofa and everything.  And since dati ko pang pangarap ang outdoor pillow, diba nga nag-aawdur ako, kaya kelangan ko yun.  Dati ko pang hinahanap yun, pero hindi ata ako naiintindihan ng mga sales ladies/man, siguro dahil sa deep accent ko na parang old English, minsan na ngang nag sign language ako, pero nga-nga parin akong umuwi.  Kaya nung Makita ko yung pillow nay un, kumuha agad ako ng isa, tapos umuwi na, walang bayad bayad. Hahaha.  Bought it for 119.75 pesosesoses.  Kelangan lang talaga ng BLOWING ABILITY, at alam nyo namang sideline ko yan, hahaha, iba na ang sanay.  Sana magamit ko to sa next climb namin ng group kong Batang Hamog Mountaineer.  Maarte ako no, next kong bibilhin ang CACTUS na ilalagay ko sa loob ng tent ko, para unique. Hahaha.  Eto photos oh:

photos captured thru Mobile