CHAPTER 2 - " Anak ng Bagyo "
"Ahhhhhhwwwww," napasigaw na si Emma sa sobrang pananakit ng t'yan n'ya. Hindi n'ya alam kung saan hahawak, kung sa t'yan, likod o sa balakang ba? Agad namang sinalo ni Diony ang asawang butil butil ang pawis. Dinala agad ng lalake ang asawa sa papag na kanilang hinigaan. Napaupo muna si Emma sa higaan, na noo'y mahibing parin ang pagkakatulog ng dalawang bata. Agad namang tinanggal ni Diony ang kulambong nakatali pa sa may hamba ng kanilang bahay. " Sandali lang, mag-iinit lang ako'ng tubig sa kusina, tatawagin ko narin si Amy at Jerry sa kanila bahay," sabi ni Diony sa asawang hirap na hirap na.
" Jerry, Amy hali kayo!!!, tulungan n'yo naman kami, manganganak na ata si Emma," sigaw na may halong pakikiusap. Ng mga panahong iyon, binabayo parin ang buong kanayunan ng isang delubyo. Napakalakas na ihip ng hangin, na halos mabuwal na ang mga puno sa tabi ng bahay nila. Malalaking butil ng ulan, na halos bumaon sa kanilang pawid na bubungan. Mas lalong kinabahan si Diony sa nangyayari, hindi n'ya alam ang gagawin ng mga panahong 'yon.
Dalawang payong ang kanyang naaninag na nanggagaling sa bahay ni Tatay Domeng - Tatay ni Emma. Agad namang tinunton ng flash light ni Diony ang dalawang 'yon upang hindi madulas sa putik na nilalakaran. Ang kapatid ni Emma na sina Amy and Jerry ang mga dumating dala -dala ang payong na halos masira na ng hangin sa labas. "Anong nangyari kay Emma," agad na tanong ng kapatid na si Amy. "Manganganak na ata s'ya," garalgal na sagot naman ng pinagpapawisang si Diony. " Hala sige, mag-init ka ng tubig sa kusina," utos ng kapatid kay Diony. At agad namang nagmadali si Diony papuntang kusina. Kinuha n'ya agad ang gas na nasa bote ng mantika at agad na ibinuhos sa magkapatong na mga kahoy at sinindihan gamit ang Posporo na may tatak na Jar. Mabilis namang nilamon ng apoy ang mga kahoy at ipinatong ni Diony ang tapayan na puno ng tubig.
Sa kabilang dako, sina Amy at Jerry naman ay nasa higaan. Si Amy ang nagpapaypay gamit ang isang kahon ng Bear Brand na tinupi lamang para maging malapad. Si Jerry naman ay pumunta sa mga kapit bahay na noon ay halos hindi na makita ang mga tirahan dahil sa dilim at lakas ng ulan. Pero hindi ito naging hadlang upang makahingi ng tulong si Jerry sa kanilang mga kapitbahay. Inabot lang ni Jerry ang isang malaking plastic na transparent na nakasabit sa likod ng pintuan at nilisan n'ya ang bahay na yun at tumungo na sa mga kapitbahay para makahingi na ng tulong sa lalong madaling panahon.
" Nong Niko! Nong Niko! hiyaw ni Jerry sa madilim na bahay ni Dioniko. Lumabas naman si Nelly na asawa ni Dioniko. " manganganak na si Nang Emma, kelangan namin ng tulong para madala na s'ya sa ospital," ang unang bungad ni Jerry kay Nelly na nakatira malapit lang sa bahay nila Emma. Tinawag naman ni Nelly ang asawang si Dioniko na patulog narin ng mga panahong yun. " Nong, patulong naman, si Nang Emma kelangan ng tulong papuntang ospital, manganganak na ata" paki-usap ni Jerry sa kapit bahay. Kumuha lang ng salakot si Nong Niko at nagtungo sa bahay ng mag-asawa, habang si Jerry naman ay dumeretso sa tirahan nina Rolando na halos kadikit lang ng bahay ni Dioniko. " Nong Lando!! " sigaw ni Jerry sa pintuang naka pinid lang at may ilawang nakabukas at nakapatong sa may lamesita. Mabilis namang lumabas si Lando, suot suot lamang ang kulay abong sando at shorts, " O, anung nangyari sa inyo at kanina pa kayo nagkakagulo? " tanong kay Jerry. " Manganganak na si Nang Emma," sagot din naman ni Jerry sa katanungang ilang beses nang naulit ng mga panahong yun. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Lando at agad nang sumama kay Jerry.