Ads Here:

Thursday, December 20, 2012

Olympus Tough-320

Matagal ko nang balak talaga ang pabili nang isang camera para sa travel blog kong: www.travellingcup.blogspot.com.  Subalit, ngunit, datapwat, nung mga panahong umatend kami ni Mae nang Higantes Festival 2012 sa Angono, Rizal, Philippines, natanto ko na kelangan ko pala nang isang camera na waterproof, dhail nga sa mga eksenang basaan sa Festival na iyon. 

Pagkatapos na pagkatapos nang mga pangyayaring iyon, agad akong nag-isip at nagbukas nang internet para maghanap nang pinaka maganda pero murang waterproof camera.   Olympus Tough-320 ang aking napili, at syempre nandyan ang mga website na pwedeng mamili nang mas mura, alam nyo yan diba??

December 13, 2012 - kakagaling ko lang nun sa isang event sa TV5 sa Novaliches, Quezon City para sa The Amazing Race Philippines.  Pagkatapos nun, pumunta pa akong SM Mega Mall para mamili nang napakaraming Converse Sho-es.  Kasama sila Tin, Merlene at Janice, ginugol namin ang lahat naming lakas para sa pag-pili nang pinakamagandang sho-es.  Pero ang pilit na isinigaw nang puso ko ay ito: Converse Jack Purcell
Ayan, balik tayo sa topic, after nang Mega Mall, dahil sa daming nakapila sa FX terminal, tumungo nalang ako sa Robinsons Galleria para mas mapabilis ang pagsakay.  Pero dahil kumakati ang palad ko sa 13th month pay, ayun, gomorah akez sa Camera shop sa baba ng nasabing Mall at dun ko nakita ang Olympus Tough-320.  Syempre anu gagawin ko dun, tititigan ko lang?? kaya syempre milyunarya ako nung mga panahong iyon kaya getlak nang isang piraso, sabay bayad naman sa kasyer.

UNANG GAMIT:

December 15, 2012, napag-desisyounan naming pumunta sa Mt. Manalmon, for more photos, click here: TravellingCup.  Pero ang isa sa pinaka hindi ko makalimutan, sa taas nang isang napakalaking bato sa Peak ng Mt. Manalmon, nagpakuha akong picture kay Janneth, nung mga panahong iyon, gusto kong manapak nang isang babae dahil nabagsak nya ang bagong bili kong camera.  Pero, since nakita ko naman ang effort nya sa paghabol sa camera pababae nang bangin, hindi ko na ginawa iyon.  Ayun, after 2 days, may gasgas na ang camera ko, pero okay pa naman, waterproof at shockproof iyon, pero hindi scratch proff.  At dito po nagtatapos ang sulatin kong ito.  Napapagod ako huh, maraming salamat sa pag-basa.