Ads Here:

Monday, December 17, 2012

Converse's Jack Purcell


Isa sa mga regalo ko sa sarili ko, Sho-es, medyo mura ko lang naman ito nabili, kasi 70% Off sya sa MegaMall. Binili ko sya noong December 13, 2012, so right after pumunta nang TV5, dumeretso lang akong SM North para hanapin ang camera na gusto ko, kaso wala akong nakitang medyo mura.  Kaya ayun, since nasa mega Mall yung ka team ko, pumunta narin ako, at dahil first day ng Mega Sale, ayun bongang daming tao, as in  " di mahulugang karayom" ang mga eksena.  Kahit wala pa ang 13th month pay sa pay card namin, wala akong paki-alam, basta kelangan kong pumili ng gusto ko at nang hindi ako maubusan.  Second sneakers ko palang ito, kaya naman ingat na ingat ako sa pagsuot kahapon.  Ang problema, bago ako mag-log out sa office, ayun sobrang lakas ng ulan, syempre hindi pwede yung ganung peg no?  At mabuti naman tumila na ang ulan bago kami mag-log out.  More photos, just click the link below.


Hay, feeling ko, medyo tatagal nanaman ang sapatos kong ito, aabot nanaman ito nang mga tatlong taon kagaya nung isa kong sho-es. Pero sana sa bawat pag-suot ko hindi ako matapilok, kasi first time kong isinuot ito just 2 days ago, aba Miriam Quiambao ang peg ko, kaloka!