Isa sa pinaka-challenging kong Team Building ay dito naganap kasama nang Team Gihon. Maago po akong nagising, siguro nasa 3:30AM yun, dahil magko-comute kami ni Mae papunta kina Tin. E di okay na, nagawa ko naman ang mga ruotine ko sa umaga, kahit medyo nag-mamadali nang kontilang naman.
Oras nang pag-kikita namin ni Mae ay 5:30AM, sa McDo Valley Golf, tapos mag-jejeep kami papunta kala Tin nga. Sobrang 5AM na ako umalis nang bahay plus magbyahe pako papunta sa McDo, diba? Tinxt ko naman si Mae na paalis na ako, hindi ko na elaborate mga txt ko huh, private yun mga mem and ser. Hindi naman sya nagreply, pero ang akala ko nareceive na.
5:31AM and 34 seconds, sakto yan, dumating ako sa meeting place namin. Tinxt ko ulit sya na nandun na ako, pero wala paring reply, so akala ko okay na. Lahat nang dumaang payat na babae, tiningnan at tinitigan ko, kasi nga medyo madilim yung mga oras na yun. Naghanap din ako nang naka blue kasi nga yun ang kulay ng team naming dalawa.
Sobrang 40 minutes na akong nag-aantay nang nagvibrate ang phone ko. Hala si Mae tumatawag, e di syempre call yun, dapat lang na sagutin ko. Pag-kasagot ko, sabi ni Mae: "Dharzie asan kana??" ay naka NGA-NGA kong sinabi, " mem, nandito na ako sa McDo magiisang oras na." So, medyo nashock pa sya sa sinabi ko, hahaha. Ayun, papunta narin pala sya sa tag-puan namin.
Isang ngiti lamang ang isinukli ni Mae sakin sa aming pagkikita, wala akong nagawa nang mga panahong iyon kundi ang ngumiti rin. hahaha. Kung gusto nyong makita ang mga behind the scene sa Bahay Bakasyunan, please visit: TravellingCup