Ayan, umuulan nanaman po habang nagtytype ako ng isa pang kwentong kababaliwan nyo. At ayon sa PAG-ASA wag daw mag-alala ang mga magbabakasyon ngayong summer, dahil ang pag-ulang ito ay dulot lamang nang Tail of the Cold front. Kaya wag tayong mag-alala, ayan nasabi ko tuloy, may lakad kasi kami papuntang Pitipot Island sa Zambales.
At syempre,, dahil swimming yan, kelangan ng bagong costume dahil may rule kami, bawal mag-ulit ng swimsuit. Kaya ayan, ang card, mapapagud nanaman ata sya. Bahala na kung anu ang magiging resulta nito.