ito nga pala ang pang dinner ko:
Ngayon, gusto ko sa inyong i
share ang Alamat ng Oatmeal at isipin nalang nating ako ang bida sa isturya.
Isang napakagandang babae’ng Fairy:
(height: 5’7” with vital stats 34” 25” 35”), ang kasalukuyang naglalakad sa
isang harding puno ng mga pagkain. Kasama ang mga kaibigang fairy na hindi
masyadong kagandahan, naglibot sila sa hardin. Subalit, dahil sa sobrang ganda
ng Fairy’ng ito, nakuha nya ang attention ng ibang lalaking fairy na namumuno
sa Hardin ng Pagkain. Kaya hindi maitago ng ibang fairies ang inggit sa mga
mata. Nang kalaunan, habang namamasyal sa hardin ng mga pagkain., biglang may
isang utusan ng hardin ang lumapit sa
napakagandang Fairy na subukan ang iba’t ibang pagkain sa hardin ng kanilang palasyo.
Ngunit, marahil ay lumaki sa isang mayamang pamilya ng mga Fairy ang magandang
Fairy, hindi ito pumayag na subukan ang naturang mga pagkain, at baka gamitin
ito ng mga kalaban upang nakawin ang kanyang likas na kagandahan sa
pamamagitang ng paglagay ng lason sa pagkain, kaya ayun kasama ang mga hindi
magagandang Fairy, nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang maabot nila ang pusod
ng hardin. Dahil sa sobrang naniniguro ang napakagandang Fairy sa mga pagkaing
nasa hardin, at talagang binabasa pa nito ang mga labels sa likod ng mga
pagkain upang masigurado nila na ligtas nga ang mga pagkain. Sa isang sulok sa
pusod ng hardin, isang tagapagbantay ng hardin ang sumubok na muling lumapit sa
napakagandang Fairy, at tauspusong iniabot ang isang uri ng pagkain, at
sinabayan pa nang pamumutawi nang ngiti sa mga labi nito, at naramdaman agad ng
napakagandang fairy na bukal sa kalooban ang pag-aalok. Naramdaman din nya ang
kadalisayan ng puso ng tagapagbantay, at nakuha nya agad ang tiwala ng naturang magandang fairy
na subukan ang pagkain. At dahil
nararamdaman na ang gutom ng fairy, kumuha ito ng isang pagkain at isinilid sa
kanyang mahiwagang buslo na napaliligiran pa ng mga mahiwagang bato. At dahil mag-gagabi na nang mga oras na yun
at baka hinahanap na sila nang Amang Hari at Inang Reyna ng napakagandang
fairy, umuwi na ito na sakay nang isang karwaheng tangan tangan ng mga kabayong
may pakpak. Pagdating ng napakagandang fairy sa kastilyo, agad itong pumasok sa
kanyang silid at doon na lamang binuksan ang kanyang dalang pakain, subalit
nung mabuksan na ng Fairy ang naturang pagkain, isa pang lalagyan ang kanyang napunang nakabalot dito. Agad na inubus
nang Fairy ang kanyang lakas upang maalis lamang ang pagkakabalot nito, subalit
hindi ito umubra. Napaluha na lamang ang Fairy at napaupo sa may pintuan ng
silid, habang hinihimas himas nito ang pambalot, subalit nang kalaunay may
umagaw ng kanyang attention. Isang napakaliit na nilalang na kawangis nang
isang maliit na ibon. Hindi agad kumibo
ang Fairy sa nakitang milagro, bagkus ito’y dahan dahang umatras palayo at
nagwika: “Sino ka? At anu ka?.” Pagkanaka-nakay, sumagot ang nilalang: “Ako ang
iyong Konsensya,” “Huh? Commercial ba ito ng SafeGuard? At anu ang ibig
ipakahulugan ng iyong naturan?” sagot nang walang magawa pero napakagandang
Fairy. “Ako si Me-Al ang prinsesa na
tagapagbantay ng mga pagkain,” nabangit ng ibon. “At anu ang iyong pakay sa
akin?” bulalas ng Fairy. “Ang nais ko lamang ay bantayan ang iyong kalusugan
laban sa mapaminsalang sumpa ng mga taga Cholesterolandia” sagot nito. “At sino
ang nagpadala sayo upang ako ay ilayo sa sumpang yun? Naitanong ng
napakagandang Fairy. “Ang iyong Amang Hari ang nagpasyang sundan kita at
protektahan laban sa kanila” naisagot nang ibon. “Ngunit, hindi iyon maaari,
lubos naman akong nag-iingat sa aking katawan” nasambit ng Fairy. At marahil,
dahil sa kapaguran ng napakagandang Fairy, nakatulog ito sa kanyang napakakapal
ng higaan.
Kinaumagahan,
ipinatawag na nang Amang Hari ang Fairy sa kanyang silid upang kumain ng
agahan. “Anak gorabels ditey sa hapag, lafang na tayiche,” nasabi nang Amang
Hari. At agad namang nagmadaling lumapit at naupo sa hapag kainan ang Fairy. Nagmasid
masid muna ang Fairy sa mesa upang Makita ang mga pagkain. At lubos siyang
nasiyahan sa nakita, may lechon paksiw garnished with pineapple chunks, mayroon
ding kaning itim na galing sa planeta nang Aurora at syempre hindi rin mawawala
ang Soda na mula pa sa ibang mundo. Ngunit nabigla ang Fairy, agad na iniabot nang
utusan ang isang platong pagkaing kanyang dala mula pa sa pusod ng Hardin. Subalit
nung matikman ito ng Fairy, umayaw agad ito sa lasa. “Pilitin mong kainin anak,”
wika ang Amang Hari. “Aking Ama, ipagpaumanhin
po ninyo, subalit sadyang hindi kalugod-lugod ang lasa ng pagkain iyon,” sagot
naman ng napakagandang Fairy. “Hindi maaari, yan lang ang pagkaing mayaman sa
Fibers na makakatulong sayo upang mapababa ang Cholesterol mo sa katawan at
malabanan ang Hypertension anak” nagmamalaking wida ng Ama. At marahil sa
pamimilit nang Amang Hari, nakumbinsing kainin ito ng Fairy araw-araw at maging
gabi-gabi. At simula noon, napanatili ng Fairy ang likas na Kagandahan na pilit
kinaiingitan ng hindi masyadong magagandang mga kaibigan nito
At
nawa po ay nagsilbing aral po ito sa ating pag diet.