Ads Here:

Thursday, March 29, 2012

MERRELL

Less is definitely more exploring with our Vibram®-soled Trail Glove natural adventure shoe. All the protection your feet need from rocks and roots, and an ultra-lightweight upper with a synthetic leather foot sling for stability fits like a glove.
UPPER / LINING
• Synthetic leather and air mesh upper
• Merrell Omni-Fit™ lacing system secured with welded TPU provides a precise, glove-like fit
• Fused Rubber toe bumper provides ultimate durability
• Synthetic leather rear foot sling provides stability
• Internal support construction secures the midfoot for optimal fit and support
• Non-removable microfiber footbed treated with Aegis® antimicrobial solution resists odor

MIDSOLE / OUTSOLE
• 4mm compression molded EVA midsole cushions
• 1mm forefoot shock absorption plate maintains forefoot flexibility and protects the foot by distributing pressure
• 0mm ball to heel drop keeps you connected to your terrain
• Vibram® Trail glove Sole/ Rubber Compound TC-1



Wednesday, March 28, 2012

Bakla Kaya?






Panu nga ba malalamang bading ang nagmamay-ari nang isang bahay?, Sadyang napakahirap anu?,  especially if you’re a straight man or women, but  If you’re gay, I know that it’s absolutely simple like eating peanuts.  Pero nasubukan ba ninyong pumasok sa kwarto nang isang lalake, tapos nakita ninyong may nakatumpok na panlinis ng kuko, yung tipong may nail color, nail polish, nail cleaner and cuticle drier? Maybe you cannot comment of that right? Kung ako tatanungin nyo maybe it will depend on the color and brand nung gamit nya diba, kung dark black, keri lang yan? Kagaya nalang itong picture sa taas, complete set diba?, kayo na ang mag-judge Kung lalake ba o babae ang may-ari nitong mga to. Anyway, gamit ko yan no! Wag na umarte at magreklamo, e sa ayaw ko nang maduming kuko, ewwww kaya yan sa mga judges. It’s a big no no, nagmumukhang cheap yung taong madumi ang kuko, lalo na sa paa, ayun, wag mong nang piliting tingnan ang kuko mo habang nagbabasa, ingetera ka talaga. Kahit kelan ang rule nayun para lamang saming mga mayayaman. Next time bigyan ko kayo ulit nang clue, hahaha.

Tuesday, March 27, 2012

Summer Plans


          Good evening everyone, I just want to share this pictures, I am getting a hard time identifying which is which for this summer. Mejo naguguluhan nga ako, kung bibili pako ng bago, kasi naman malinaw na 700php para lang sa shorts. Hay. . . . . , kung makakamura, e di dun.

courtesy: Andz Pulma

Monday, March 26, 2012

Summer Swipe



     Ayan, umuulan nanaman po habang nagtytype ako ng isa pang kwentong kababaliwan nyo.  At ayon sa PAG-ASA wag daw mag-alala ang mga magbabakasyon ngayong summer, dahil ang pag-ulang ito ay dulot lamang nang Tail of the Cold front.  Kaya wag tayong mag-alala, ayan nasabi ko tuloy, may lakad kasi kami papuntang Pitipot Island sa Zambales.
     At syempre,, dahil swimming yan, kelangan ng bagong costume dahil may rule kami, bawal mag-ulit ng swimsuit.  Kaya ayan, ang card, mapapagud nanaman ata sya. Bahala na kung anu ang magiging resulta nito.

Sunday, March 25, 2012

OatMeal Therapy

ito nga pala ang pang dinner ko:


Ngayon, gusto ko sa inyong i share ang Alamat ng Oatmeal at isipin nalang nating ako ang bida sa isturya.
               Isang napakagandang babae’ng Fairy: (height: 5’7” with vital stats 34” 25” 35”), ang kasalukuyang naglalakad sa isang harding puno ng mga pagkain. Kasama ang mga kaibigang fairy na hindi masyadong kagandahan, naglibot sila sa hardin. Subalit, dahil sa sobrang ganda ng Fairy’ng ito, nakuha nya ang attention ng ibang lalaking fairy na namumuno sa Hardin ng Pagkain. Kaya hindi maitago ng ibang fairies ang inggit sa mga mata. Nang kalaunan, habang namamasyal sa hardin ng mga pagkain., biglang may isang utusan ng hardin ang  lumapit sa napakagandang Fairy na subukan ang iba’t ibang pagkain sa hardin ng kanilang palasyo. Ngunit, marahil ay lumaki sa isang mayamang pamilya ng mga Fairy ang magandang Fairy, hindi ito pumayag na subukan ang naturang mga pagkain, at baka gamitin ito ng mga kalaban upang nakawin ang kanyang likas na kagandahan sa pamamagitang ng paglagay ng lason sa pagkain, kaya ayun kasama ang mga hindi magagandang Fairy, nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang maabot nila ang pusod ng hardin. Dahil sa sobrang naniniguro ang napakagandang Fairy sa mga pagkaing nasa hardin, at talagang binabasa pa nito ang mga labels sa likod ng mga pagkain upang masigurado nila na ligtas nga ang mga pagkain. Sa isang sulok sa pusod ng hardin, isang tagapagbantay ng hardin ang sumubok na muling lumapit sa napakagandang Fairy, at tauspusong iniabot ang isang uri ng pagkain, at sinabayan pa nang pamumutawi nang ngiti sa mga labi nito, at naramdaman agad ng napakagandang fairy na bukal sa kalooban ang pag-aalok. Naramdaman din nya ang kadalisayan ng puso ng tagapagbantay, at nakuha nya  agad ang tiwala ng naturang magandang fairy na subukan ang pagkain.  At dahil nararamdaman na ang gutom ng fairy, kumuha ito ng isang pagkain at isinilid sa kanyang mahiwagang buslo na napaliligiran pa ng mga mahiwagang bato.  At dahil mag-gagabi na nang mga oras na yun at baka hinahanap na sila nang Amang Hari at Inang Reyna ng napakagandang fairy, umuwi na ito na sakay nang isang karwaheng tangan tangan ng mga kabayong may pakpak. Pagdating ng napakagandang fairy sa kastilyo, agad itong pumasok sa kanyang silid at doon na lamang binuksan ang kanyang dalang pakain, subalit nung mabuksan na ng Fairy ang naturang pagkain, isa pang lalagyan  ang kanyang napunang nakabalot dito. Agad na inubus nang Fairy ang kanyang lakas upang maalis lamang ang pagkakabalot nito, subalit hindi ito umubra. Napaluha na lamang ang Fairy at napaupo sa may pintuan ng silid, habang hinihimas himas nito ang pambalot, subalit nang kalaunay may umagaw ng kanyang attention. Isang napakaliit na nilalang na kawangis nang isang maliit na ibon.  Hindi agad kumibo ang Fairy sa nakitang milagro, bagkus ito’y dahan dahang umatras palayo at nagwika: “Sino ka? At anu ka?.” Pagkanaka-nakay, sumagot ang nilalang: “Ako ang iyong Konsensya,” “Huh? Commercial ba ito ng SafeGuard? At anu ang ibig ipakahulugan ng iyong naturan?” sagot nang walang magawa pero napakagandang Fairy. “Ako  si Me-Al ang prinsesa na tagapagbantay ng mga pagkain,” nabangit ng ibon. “At anu ang iyong pakay sa akin?” bulalas ng Fairy. “Ang nais ko lamang ay bantayan ang iyong kalusugan laban sa mapaminsalang sumpa ng mga taga Cholesterolandia” sagot nito. “At sino ang nagpadala sayo upang ako ay ilayo sa sumpang yun? Naitanong ng napakagandang Fairy. “Ang iyong Amang Hari ang nagpasyang sundan kita at protektahan laban sa kanila” naisagot nang ibon. “Ngunit, hindi iyon maaari, lubos naman akong nag-iingat sa aking katawan” nasambit ng Fairy. At marahil, dahil sa kapaguran ng napakagandang Fairy, nakatulog ito sa kanyang napakakapal ng higaan.
                Kinaumagahan, ipinatawag na nang Amang Hari ang Fairy sa kanyang silid upang kumain ng agahan. “Anak gorabels ditey sa hapag, lafang na tayiche,” nasabi nang Amang Hari. At agad namang nagmadaling lumapit at naupo sa hapag kainan ang Fairy. Nagmasid masid muna ang Fairy sa mesa upang Makita ang mga pagkain. At lubos siyang nasiyahan sa nakita, may lechon paksiw garnished with pineapple chunks, mayroon ding kaning itim na galing sa planeta nang Aurora at syempre hindi rin mawawala ang Soda na mula pa sa ibang mundo. Ngunit nabigla ang Fairy, agad na iniabot nang utusan ang isang platong pagkaing kanyang dala mula pa sa pusod ng Hardin. Subalit nung matikman ito ng Fairy, umayaw agad ito sa lasa. “Pilitin mong kainin anak,” wika ang Amang Hari.  “Aking Ama, ipagpaumanhin po ninyo, subalit sadyang hindi kalugod-lugod ang lasa ng pagkain iyon,” sagot naman ng napakagandang Fairy. “Hindi maaari, yan lang ang pagkaing mayaman sa Fibers na makakatulong sayo upang mapababa ang Cholesterol mo sa katawan at malabanan ang Hypertension anak” nagmamalaking wida ng Ama. At marahil sa pamimilit nang Amang Hari, nakumbinsing kainin ito ng Fairy araw-araw at maging gabi-gabi. At simula noon, napanatili ng Fairy ang likas na Kagandahan na pilit kinaiingitan ng hindi masyadong magagandang mga kaibigan nito
                At nawa po ay nagsilbing aral po ito sa ating pag diet.

Saturday, March 24, 2012

Story of Dove Conditioner






Sabi nga nila “ Our hair is our crowning glory ,” tama ba?, in my case, that is absolutely right.  Sa personality ko, my hair is a huge asset that captures the eyes of my fans. But now, I notice severe breakage every time I comb my hair and bawas points yan sa mga fans.  Thanks sa sponsor kong Regrow shampoo and conditioner.  For more than a year, yan ang nagalaga ng buhok ko.
                Yesterday, wearing my light blue gown plated with gorgeous Swarovski stone and paired with my English inspired Head dress, I went to Robinsons Cainta to do my weekly chore at yan ay bumili ng tinapay for my dinner.  Syempre, medyo nakakahiya naman kong uuwi ako agad after buying my loaf of bread.  Kaya ayun i visited the Hair Care Section of the said store.  Kasabay ang ibang mga paparazzi at bashers ng isang media company.  Kaya ayun, kelangan ko tuloy magtago sa kanila, mahirap na at baka machismis akong nagogrocery ako ng tinapay sa isang napakalaking store.  Nung nasa Hair Care Section na ako, halos nabasa ko na ang lahat ng hair care products, pero wala akong makitang nababagay sa buhok ko.  Pero nung makalingat ako sa isang cabinet, isang producto ang kumuha ng attention ko.   Iyon ay Dove conditioner.  Sadyang nakakaawa ang lagay nang naturang produkto, dahil wala halos sa kanyang pumapansin.  Pero nung hawakan ko ang naturang produkto napansin ko ang pang gigilid ng luha nito sa mata, napansin ko rin ang kalukutang bumabalot sa mukha nang Dove Conditioner.  Pero nung basahin ko ang product information sa likod, napansin kong may kakaibang Ingredient na makakatulong sa Hair Problems.  Kaya ayun, I embraced Dove Conditioner and I went to the cashier’s booth and I paid. Pumuntang sakayan at ayun gora pauwi habang tumatakas sa mga paparazzi.
                That’s the story of Dove Conditioner in my life, on Monday I will be going to use it and I am hoping it can help my Hair Problems.

Friday, March 23, 2012

Spartacus



Its Friday today, not feeling well, I think I am sick.  I am sick and I feel so hot because of this DVD.  Spartacus Season 1, nakakainspire yung curves nila huh, talaga nakakapag painit ng katawan.  Hahahaha. Mahabahaabang labanang to sa Spartacus. Ilang episodes din to eh, Guys, please watch this and you will love it. Just finished with my dinner, just an apple a day takes the doctors away.

Wednesday, March 21, 2012

Transcom Health Insurance


" heto nanaman po ang naparaming cards, additional 3 cards, from PhilCare - an Insurance Company, infairness nakatulong din to sakin kahit mejo nagkakaproblema ng konti, dahil sa package.  Compared sa Medicard way back 2009, that was my sponsor nung nagka dengue ako sa St. Lukes Medical Center. But I still hoping that the management will continue in providing  us the best Insurance. At WAG TIPIRIN, hirap din kasi kapag hindi Filipino ang namumuno eh.  Next time i popost ko yung wallet kong puno na ng cards.  GOOD EVENING nalang sa nyong lahat. "

Utility Bills


Bankard and Sun Broadband bills just arrived today, I need to work hard now for the payments, nakakatuwang isiping minsan nalelate silang dumating.  Kaya minsan naiisipan kong wag bayaran.  All I can suggest to you guys is that, we need to settle those bills, if not, bank will file a case againts you. Ayan kakapalit lang ng  Fuse ng circuit breaker ko.  Thanks mang Frankie.

Tuesday, March 20, 2012

Dental Services

just got home from work,
then before going home, I went to my Dentist,
thanks Dr. Myrna Alejandro
for everything, the knowledge and having
the a good Customer Relations with me

Here are the products that Dr. Myrna gave me:
(first time to receive a product for FREE from a Dentist)


Monday, March 19, 2012

Collections


guys, first thing in my collections
wait for others,





Wednesday, March 14, 2012

Happy Birthday Kim

Kim's birthday
at the pantry