Ads Here:

Wednesday, March 27, 2013

Damo at Horayzon


Nakakatuwang isiping habang tumatagal ako sa aking pagBlog, mas lalong gumaganda ang aking mga larawan, diba? Kagaya nalang nito kuha ko sa Mt. Marami sa Batangas.  Gamit ko lang ay isang digital camera at hindi ko nilagyan ng kung anek-anek na effects para mag mukhang sosyal.   Alam kong agains the light ang pagkakakuha ko nito, pero bonga parin sya, davah?? Siguro kelangan ko na ngang bumili ng mga pangmayamang camera, yung tipong megang 1 meter and lente, para kita pati mga pores ng mga dahon ng damo.

Habang kinukunan ko ang picture na ito ay nanginginig ang kamay ko, kasi naman wala pakong kain ng mga panahong yan.  Sinabayan pa ng bonga at walang katapusang init ng aking katawan dahil sa init nang sikat ng araw.  Pero lahat po iyun tiniis naming lahat para lang maabot namin ang aming hangaring maabot ang tuktok ng Mt. Gulugod Baboy.

Today, nagpaplano kaming mamigay ng mga tsinelas at mga gamit sa paaralan para sa mga bata ng North Uyao, Oriental Mindoro.  Sabi kasi ng tita ko dun, halos wala daw pambili mga tao sa area na yun, pero gusto parin nilang mag-aral, kaya tutulungan namin sila.  Kayo, baka gusto nyong tumulong email nyo lang kami sa mytravellingcup@gmail.com and lamyerda.group@gmail.com