Salisbury Steak - isa sa pinakagusto kong ulam, hindi ko alam kung bakit? pero, perfect ito sa aking banayad na panlasa, parang commercial lang ng sabong panlaba diba? Pero depende din ata sa pagluluto, kasi may natry ako before na ganito, subalit, ngunit, datapwat hindi ko nagustuhan, hindi ko sigurado kung anu ang dahilan. Basta yung natikman ko, masarap sya, masarap pati malapot na sarsa, yun lang po at magandang araw sa inyong lahat.