" Ako na ang magbubuhat sa bata," pakiusap ni Erna kay Diony. Agad namang iniabot ni Diony ang bata sa kamay ni Erna. Nang biglang . . . . " Ayyyyyyyy," nahulog ang pusod ng bata, bulalas ni Erna at agad namang ginamit ni Diony ang flashlight na dala sa kaliwang kamay. " Ang bata . . . ang bata. . . .," takot na takot ni Erna. " Anu? . . anong nangyari sa bata? tanong ni Diony kay Erna.
Chapter 3 - "
Hindi alam ng lahat kung anung gagawin sa mga oras na 'yon. Pero marahil kasama nila si Erna na isang kumadrona ng ospital, kaya naging panatag nalang ang lahat. " Sandali!, hinto muna tayo, aayusin ko lang muna ang bata," pakiusap ni Erna sa mga kalalakihang nagbubuhat. Agad namang huminto ang lahat nang marinig ang pakiusap ng kumadrona pero si Diony ay lubusan parin ang pag-aalala sa batang buhat buhat ni Erna. " Nang Erna, check mo naman ang kalagayan ng bata, baka may nangyari na kanina pa," suggest ni Diony. Agad na tinutukan ng flashlight ang bata para macheck kung anu nang nangyayari sa bata. Nabigla si Erna nang makitang nakalabas na pala ang placenta ng bata, pero nakakabit parin ang umbilical cord ng bata sa katawan nito. Halos nakalaylay na ang umbilical cord ng bata habang karga karga ni Erna. Hindi rin ito napansin ni Diony sa kadahilanang malakas ang ulan at basang basa pa sila parehas.
" May dugong umaagos sa mga binti ni Emma, tingnan nyo," sigaw ni Diony. " Oo nga no? Hala bilisan na natin at baka maubusan ng dugo si Emma, mas delikado 'yon," utos naman ni Erna. Agad namang kinuha ni Diony ang umbilical cord ng bata at inilagay sa lampin nito habang yakap yakap ni Erna para hindi lamigin.
Sa parehas na posisyon, binuhat muli ng mga lalake si Emma at mas lalong binilisan ang paglalakad upang maampat na ang dugong umaagos sa mga binti ni Emma. Nasa dalawang daang metro palang ang nilalakad ng grupo nila ng biglang. . . . . . " O sandali lang, huminto muna tayo dito," sigaw ni Rolando, " Bakit, anung meron? Kelangan nating magmadali," sagot ni Erna. " May narinig akong kahoy na lumalangit-ngit, at baka biglang may matumbang kahoy satin," nasabi ni Rolando habang unti-unting bumabagal ang paglalakad.
" BOOOGGGG," at hindi nga nagkamali si Rolando, may isang puno ng ipil-ipil ang natumba ilang metro lang ang layo sa kanila. At yun nanaman ang isa sa pinaka challenging sa paglalakad nilang pito. Sobrang lakas parin ang hangin at ang ulan sabayan pa ng nakaharang na puno. At dahil bago pa umalis ng bahay silang lahat, si Mayo ang naghanda ng lahat nilang dadalhin patungong. " Sandali, ibaba na muna natin si Emma, at tatangalin ko muna ang mga sangang nakaharang sa daan," mungkahi ni Mayo. At kinuha lang ni Mayo ang itak na nakasabit sa may bewang nya at pinagpuputol ang mga sanga ng punong nakaharang.
Ilang minuto rin ang naaksaya ni Mayo sa pagtatangal ng mga sanga ng puno, na dapat ay malayo na sana ang narating nila sa paglalakad. " Hindi ko na puputulin ang mismong puno ng kahoy, masyadong malaki yan, baka mas lalo tayong matagalan," paliwanag naman ni Mayo. Nang matapos na si Mayo, bumalik itong muli sa grupo upang magsimula sa pagbuhat kay Emma. Dahil hindi naman higang-higa ang puno ng ipil-ipil, dun sila dumaan sa ilalim ng puno na halos lagpas tao, pero mas naripan si Emma.
Inuna nila ang ulunan ni Emma bago ang parteng binti ng ina at sunod-sunuran naman ang ginawa ni Erna at Diony. " Arraaayyy, masakit na ang t'yan ko, ang lamig ng pakiramdam ko," hinaing ni Emma. " Sige itaas nyo ang parteng ulunan n'ya at mas mababa dapat ang mga binti n'ya," suggest ni Erna at yun din naman ang ginawa ng mga lalake. " O dumulas ang pusod ng bata sa lampin," gulat na sabi ni Diony kay Erna. At kinuha din naman agad ni Erna ang dulo ng pusod at inilagay muli sa lampin ng bata.
" Kabbboooog!!!" gulat ang lahat sa isang napakalakas na kulog sa sumunod dito ay kidlay na halos gumuhit sa buong kalangitan. Marahil sanay ang ang lahat sa mga ganung mga pangyayari, lahat derederetso ang lakad. Walang tumitingin sa likod dahil natatakot silang bumanga sa mga sangang nakaharang sa kanilang dadaanan. " Nilalamig na ako," sabi ni Erna habang nanginginig a ang mga kamay. " UWA. . UWA . UWA. " Ayan pati ang bata nilalamig narin, nararamdaman ko na," nabanggit ni Erna na may halong takot. Hinubaran ni Erna ang bata at niyakap, ng sa gayun, ang init ng katawan n'ya ay lumipat sa katawan ng bata habang si Diony naman ang naghahawak ng payong at flashlight.
Pagkatapos nilang mapagdaanan ang mga punong nakaharang sa daan, ang madulas na daan nanaman na kanilang tinahak. Ang daang paibaba galing sa kalsada ay lupang nag-landslide at ginawang nalang na daan, sabayan pa ng malakas na agos ng tubig at putik, at madilim kaya mas lalong mahirap ang naging pagbuhat paibaba kay Emma.
" Sige mauna na kayo Rolando, tapos sunod kami," mungkahi ni Jerry. " Sige, dahan-dahan nalang tayo, delikado kasi ang pababa," sagot din naman ni Rolando. " Sige mauna kayo at iilawan ko nalang kayo habang bumababa," sagot din ni Diony habang iniilawan ang hirap na hirap na grupo pababa.
" AAAYYYY!!!," isang sigaw ang umalingawngaw sa gabing 'yon. " Anung nangyari? " sigaw na tanong ni Erna. " Si Dioniko nadulas at nabitawan ang paa ni Emma," sagot ni Jerry. " Ok lang ba si Emma, wag nyong hahayaang maputikan ang mga binti nya, baka pumasok sa kung saan yan," ang tanging nasabi ni Erna.
Agad namang tumayo si Dioniko at binuhat na muli ang nabitawang si Emma. Pero dahil sa pagkakabitaw, napuno ng putik ang mga paa ng inang si Emma. Pero hindi 'yon naging hadlang para mawalan sila ng pag-asa. At sa wakas nakarating narin sila sa isang kalsada papuntang ospital. Sumunod naman si Erna habang dala-dala ang batang nakabalot pa sa lampin na nuo'y nabasa narin ng ulan at natalsikan ng putik. Hawak-hawak parin ang flashlight ni Diony at ginagabayan ang pagbaba ni Erna. Nahuling bumaba si Diony dala ang flashlight sa kaliwa at payong naman sa kanan.
Nang makarating na sila lahat sa kalsada, kanya-kanyang buntong hininga at may pasasalamat sa Diyos, dahil kahit papano nalagpasan na nila ang pinaka kritikal na parte ng daan. Sa parehas na posisyon, nagpatuloy silang lahat sa paglalakad. Ilang minuto lang at narating na nila ang isang compound ng Agricultural School, at dun mas naging komportable na lahat dahil may mga street lights na naka ilaw at gumagabay sa kanilang paglalakad.
Nung mga panahong 'yon, tanging napakalakas na hangin nalang ang kanilang kalaban. Hindi na ganun kalakas ang ulan, pero nilalamig na ang lahat habang naglalakad palabas ng gate. Ilang metro nalang ang kelangang lakarin at papasok na sila ng gate ng ospital.
" Emma, malapit na tayo, tatagan mo, wag kang bibitaw huh," sabi ni Diony para magkaroon naman ng tiwala sarili si Emma. " Oo nga Emma, nasa mabuting kalagayan ang bata, med'yo nilalamig lang, pero malapit na tayo sa mismong ospital, kaya wag ka nalang mag-alala," sagot din naman ni Erna.
At ilang hakbang nalang at mararaming na nila ang gate ng ospital. Pero magiging mahirap nanaman ang pag-akyat nila dahil nasa 35 degrees ang taas ng kalasadang deretsong anakan. " Nong Balong, pahiram naman ng sheel chair," pakiusap ni Erna sa kakilala at nakabantay na gw'ard'ya sa oras na 'yon. " Sandali lang Ma'am, pasok lang ako sa loob ng office, nandun kasi nakalagay ang wheel chair eh," sagot din naman ni Nong Balong dala-dala ang malaking flash light sa kanang kamay.
" Eto na Ma'am, iupo n'yo na s'ya dito para hindi na kayo mahirapan sa pag-akyat," malakas na wika ni Nong Balong. At agad namang ipinosisyon nina Jerry, Dioniko, Rolando at Mayo si Emma sa wheel chair na nakahanda narin para sa mabilisang pag-akyat sa anakan.
" Good Evening Ma'am/Sir! " bati ng guard na may dalang tasang kulay brown habang nakatayo sa gilid ng salaming pintuan ng ospital. " Guard, sinong available na doctor ngayong gabi? " tanong agad ni Erna sa Guard on duty habang deretso parin ang tulak patungong Emergency Room. " Si Doc Sarah po ang nandito ngayong gabi, pero naglilibot po s'ya sa ibang mga pasyente," sagot din namang ng guard na kasunod ni Erna.
" Anu na kaya ang nangyari kay Erna at Emma sa Emergency Room," tanong ni Diony. " Sumunod ka nga dun para may bantay," sagot din naman ni Jerry. At agad namang pinuntahan ni Diony ang kinaruruonan ng mag-ina.
" Pakilagay naman ang bata sa encubator, " utos ni Erna sa kakilalang Nurse. " Pakitawag si Doc Sarah, pakisabing may nanganak na, at nasa Emergency Room na, " utos naman ni Erna sa Guard.
a
a
" Doctor Sarah, please proceed to the Emergency Room, " isang boses sa speaker na halos dinig sa lahat ng kanto ng ospital. Ilang minuto palang ay dumating na si Doc Sarah. " Anung nangyari d'yan Erna," nagmamadaling tanong ng doctor. " Nanganak po s'ya sa bahay nila, tapos pinilit parin nilang dalhin dito kasi pagkatapos mailabas ang bata, nasa loob parin ang placenta sa loob ng t'yan, " sagot din naman ni Erna sa doctor. " Sige, alisin at palitan na ang damit ng pasyente at ihanda ang mga gamit! " utos ng doctor sa mga nurses at midwife on duty. " at paki asikaso narin ang bata huh, lagyan ng mga tag na kakailangan para sa indentification," utos pa nito. " Opo Doc," sagot din naman ng head Nurse.
Agad namang sinimulan ni Doc Sarah ang operasyon sa paglalabas ng placenta ng bata na nasa loob pa ng t'yan ni Emma. Pasa dito, pasa doon ng mga stainless na gamit sa Emergency Room. Halos kumalansing ang mga gunting at ibang pang matutulis na gamit habang ginagawa ang operasyon. Si Diony naman naka silip sa isang bilog na salamin habang pinuputulan ng pusod at nililinis ng isa pang Doctor. Naging busy ang lahat sa loob ng kwartong 'yon. Matapos linisin ang bata, dinala ito ng isang naka-berdeng MidWife sa Nursery room ng ospital. At doon tanaw na tanaw ni Diony ang bata habang natutulog suot-suot ang maliit na gloves sa mga kamay, puting lampin at maliit na baby shirt sa pantaas na may naka guhit pang smiley.
" sige, Darwin nalang ang ipangalan natin," walang isip-isip at mabilis na sagot ni Diony.
Matapos ang ilang sandali, " kamusta na ang bata?" tanong ni jerry kay Diony. " maayos naman s'ya, malusog naman daw sabi ni Doc," agad namang sagot ni Diony. " Puntahan mo na si Nang Emma sa ER, baka kelanganin ka dun," utos ni Mayo. " Ay oo nga no, sige, kayo muna dito ang magbantay, punta lang akong ER," tugon ni Diony sabay lakad ng mabilis patungong Emergency Room.
" Ah Sir, for identification Purposes lang po, anu pong ilalagay nating pangalan sa record ng bata? tanong ng Nurse kay Jerry. " ay Ma'am hindi po ako yung tatay ng bata, nasa ER na po s'ya, puntahan n'yo nalang po," kinakabahang sagot ni Jerry sa nurse.
At agad namang umalis ang nurse at nagtungo sa ER dala-dala ang isang aluminum na kulay ng binder na may nakaipit pang mga papel. Habang nakaupo si Diony sa isang monoblock na bangko sa gilid ng ER; " Sir kayo po ba si Diony? tanong ng nurse. " Opo ma'am, bakit po?" sagot naman ni Diony. " kelangan ko lang po makuha ang pangalang ilalagay natin sa record at birth form ng bata," sagot ng nurse.
" sige, Darwin nalang ang ipangalan natin," walang isip-isip at mabilis na sagot ni Diony.
IPAGPAPATULOY . . . . . .
ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA ANG BUHAY NI DARWIN, kung paano n'yang haharapin ang mga bagay-bagay sa paligid habang s'ya ay lumalaki. . . .