Ads Here:

Showing posts with label artista. Show all posts
Showing posts with label artista. Show all posts

Tuesday, December 18, 2012

Extra Challenge's set visit

Eto ang isa sa pinaka maganda kong picture, hindi ko lang alam ko bakit? Siguro dahil kamukha ko yung katabi ko? Wala talaga akong maisip eh, kayo nalang magjudge.  Anyways, Nangyari ito noong Tuesday, naimbitahan lang naman ako ng GMA7 Social Media Team with Extra Challenge na mag bisita na set mismo nila.

Sobra akong naging masaya gabi palang bago ang bisita, syempre naman, makikita ko na ang kamukha ko e, dapat lang na maexcite ako.  Pero kayo, naexcite ba kayong malaman kung sino ang kamukha ko?  Sige ganito nalang, manghula kayo, tapos kung sino makaka-alam nang tamang sagot, bibigyan ko ng premyo.  Anu sa palagay nyo?

Ang araw ding ito ay puno ng mga Challenges, ang panahon talagang uma-arte, aambon, tapos iinit, tapos, aambon ulit, tapos iinit ulit.  Akala nyo nangloloko lang ako no? Totoo yun, talagang ganun ang panahon, sadyang mapagbiro sila ay siya pala. 

Wednesday, December 12, 2012

Change of Service Band

Ang Picture na ito ay kuha sa cellphone nang babaeng yan na nasa big screen, hahaha, syempre first time namin nila Kim at Enzo magperform with banda effect.  Dati kasi, nasa dancing lang ako engaged, pero ngayon, sa kaunaunahang pagkakataon, kumanta ako sa harap ng maraming fans.  First time, pero EPIC ang labas, hindi ko talaga ito makakalimutan dahil sa pag-patay sa microphone at guitar namin, hahaha, tawa much pero may lungkot sa mga mata ko!

Pero ganun talaga ang career na pinasok ko eh, wala akong magagawa, at least we've done our part, 2 days na praktis, gastos namin lahat, antok ng sobra, gutom, pero na enjoy parin namin ang mga nangyari with other members ng bagong buong banda-badahan, pero lagi nyong tatandaan, masusundan at masusundan ito.  Abangan ang susunod na kabanata.

Biglaan lang kaming pinulot dito no, hindi namin kilala ang isa't-isa, pero at least nagawa naming kilalanin ang bawa't-isa, o diba parang inulit ko lang ang sinabi ko??

Thursday, May 10, 2012

Mike Chan

with my friends, we met Mike Chan and his band and Tiendesitas,
he's cute and of course,
my team loved Paulo the drummer,
hahaha, see yah next time